KINAPOS ang impresibong simula ni Filipina tennis prodigy at Globe Ambassador Alex Eala nang mabigo kay Lara Salden ng Belgium sa second round ng Las Palmas de Gran Canaria tournament nitong Biyernes sa Spain.
Matapos ang matikas na panalo kay No.8 seed Francesca Jones ng Great Britain, kinapos si Eala sa kanyang pagtatangkang makausad sa quarterfinals via 6-0, 2-6, 6-2 kabiguan kontra sa 246th ranked player sa Women’s Tennis Association (WTA).
Galing din sa kampeonato ang karibal ng 15- anyos na si Eala sa katatapos na Lousada Indoor Open sa Portugal.
Higit na nangibabaw ang karansan ni Salden, anim na taon ang tanda kay Ewala at isang regular campaigner sa women’s tour, tungo sa dominanteng 3-0 bentahe sa final set. Nakaiskor si Eala, subalit tuluyang rumatsada ang karibal para makumpleto ang dominasyon.
Opisyal na Globe Ambassador si Eala mula pa noong 2016 at iskolar sa Rafael Nadal Academy sa Spain. Kasalukuyang siyang No.2 sa Juniors ITF world rankings at naglalaro sa ikatlong professional tournament. Nagawa niyang umusad sa finals ng girls’ tournament sa 2020 French Open sa Roland Garros nitong Oktubre. Nakamit niya ang girl’s double title sa 2020 Australian Open ngayong taon.