BEIJING (AFP) — Ni-livestream ng China ang footage ng bago nitong manned submersible na nakaparada sa ilalim ng Mariana Trench nitong Biyernes, bahagi ng isang makasaysayang misyon sa pinakamalalim na lambak sa ilalim ng tubig sa planeta
Ang “Fendouzhe”, o “Striver”, ay bumaba ng higit sa 10,000 metro (mga 33,000 talampakan) sa submarine trench sa kanlurang Pacific Ocean kasama ang tatlong nakasakay na mananaliksik, sinabi ng broadcaster ng estado na CCTV.
Ilang tao lamang ang nakarating sa ilalim ng Mariana Trench, isang crescent-shaped depression sa crust ng Earth na mas malalim kaysa taas ng Mount Everest at mahigit sa 2,550 kilometro (1,600 milya) ang haba.
Bumisita ang mga unang explorer sa trench noong 1960 sa isang maikling ekspedisyon, at pagkatapos ay wala nang mga misyon hanggang sa ang
Hollywood director na si James Cameron ay gumawa ng unang solong paglalakbay sa ilalim noong 2012.
Inilarawan ni Cameron ang isang “malungkot” at “dayuhan” na kapaligiran.
Ipinakita ng video footage na kuha at ipinasa ng isang deep-sea camera ngayong linggong ang green-and-white Chinese submersible na gumagalaw sa madilim na tubig na napapalibutan ng mga ulap ng sediment habang dahan-dahang lumapat sa seabed.
Ang Fendouzhe, na gumawa ng maraming pagsisid sa mga nagdaang araw, ay nagtakda ng pambansang talaan ng 10,909 metro para sa manned deep-sea diving matapos na makarating sa pinakamalalim na kilalang bahagi ng trench, ang Challenger Deep, halos 10,927-meter na lamang bago maabot ang 10,927-metre world record na itinakda ng isang American explorer noong 2019.
Noong Nobyembre 10 ipinasilip ng misyon ang kauna-unahang live video sa buong mundo mula sa Challenger Deep.
Ang submersible, nilagyan ng mga robotic arm upang mangolekta ng mga biological sample at sonar “eyes” na gumagamit ng sound waves upang makilala ang mga nakapaligid na bagay, ay gumagawa ng paulit-ulit na pagsisid upang subukan ang mga kakayahan nito.
Mangongolekta ang Chinese researchers ng specimens para sa kanilang trabaho, sinabi ng CCTV.
Magsasagawa rin ang misyon ng pagsasaliksik sa “deep-sea materials,” sinabi ng CCTV, habang ang China ay nagsusulong sa deep-sea mining.