NUEVA ECIJA – Boluntaryong sumuko sa pulisya ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Jose City sa nasabing lalawigan, kamakailan.

Paliwanag ni Nueva Ecija Police director, Col. Marvin Jose Saro, ang dalawang rebelde ay kinilalang sina “Ka Badgear”, 41, magsasaka, taga-Bgy. Malasin ng lungsod, dating lecturer ng Batayang Kursong Pampartido (BKP) at Batayang Kursong Magsasaka (BKM) sa San Jose City, sa ilalim ng Josefino Corpuz Command noong 1996-2006; at “Ka Daniel”, 48, may-asawa, magsasaka, taga-nasabing lugar.

Nasa kustodiya na ang pulisya ang dalawa na nakatakdang pagkalooban ng government assistance program for

returnees na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Metro

Manila LGU, handa na para sa malinis at mapayapang selebrasyon ng Chinese New Year

-Light A. Nolasco