SAN FRANCISCO (AP) — Binaha ng mensahe ng suporta at panalangin mula sa kanyang teammates at kapwa NBA players ang social media matapos opisyal na ipahayag ng Golden State Warriors nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) na muling na-injured si All- Star guard Klay Thompson dahilan para ma-sideline sa kabuuan ng darating na NBA season.

Nakatakdang magbukas ang training camp sa Disyembre 1 at magsisimula ang bagong season sa Disyembre 22.
Kaagad na nagpahatid ng pampalakas-loob na mensahe at suporta ang Dubs Bro. niyang sina three-time MVP Stephen Curry at Green na nagpahayag na panibagong dagok ang kaganapan sa career ni Thompson na pursigido sa pagsasanay at workout para makabalik aksiyon.
Sa opisyal na pahayag ng Golden State, nagtamo si Thompson ng punit sa kanang ‘Achilles tendon’. Sumailalim umano ang 27-anyos hotshot sa MRI sa Los Angeles at nakumpirma ang injury.
Natamo ni Thompson ang injury sa pickup game sa Southern California nitong Miyerkoles, ayon kay Warriors General manager Bob Myers.
Dagok sa kampanya ng three-time NBA champion, tumapos ng pinakamasamang season sa nakalipas na taon, bunsod ng pagkawala ni Thompson na nagtamo ng ACL sa kaliwang hita sa Game 6 ng 2019 NBA Finals laban sa Toronto Raptors at injury sa kaliwang kamay ni Curry.
Sa kanyang Tweet, sinabi ni Los Angeles star LeBron James na kumpiyansa siyang makababawi si Thompson at ang bagong injury ay ‘‘supe minor.’
Panalangin naman ang nabigkas ni Hawks guard Trae Young.
Bunsod ng kaganapan, sinabi ni Myers na muli nilang pag-aaral;a ang plano sa gaganaping drafting sa Miyerkoles, ngunit mananatili umano ang naunang desisyon na kunin ang serbisyo ni Memphis center James Wiseman bilang No. 2 overall selection.