Ang European Union (EU), kasama ang mga pamahalaan ng Sweden, Australia, United States, Germany, at New Zealand ay tumalima sa panawagan ng United Nations (UN) sa paggalaw ng P182 milyon (US$3.8-M) upang matulungan ang halos 260,000 mga Pilipino na grabeng naapektuhan ng Bagyong Rolly (Goni) at Ulysses (Vamco).

“With support from resource partners, the UN and humanitarian community translate international solidarity into concrete actions that combine emergency relief assistance and early recovery efforts to help people get back on their feet,” sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, inisa-isa ng UN ang sumusunod na aid assistance: Humanitarian Aid Department of the European Commission (ECHO), P74.5-M (US$1.54-M); Australian Government, P33-M (US$0.7-M) sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), UN Population Fund (UNFPA) at ng Family Planning Organization of the Philippines (FPOP); Sweden, P67.6-M (US$1.4-M) sa pamamagitan ng Save the Children, ang National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at Plan International; and the United States Agency for International Development (USAID) at ang Government of Germany, P7.2-M (US$150,000) sa pamamagitan ng mga umiiral na proyekto kasama ang UN Agency on Migration (IOM).

Sinabi ng UN na maraming gobyerno ang nagbibigay ng donasyon sa Red Cross at Red Crescent Societies, kasama na ang New Zealand na nagbibigay ng kontribusyon na P7.2-M (US$150,000) sa pamamagitan ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies.

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

Noong Nobyembre 9, isang dokumento ng Humanitarian Needs and Priorities (HNP) na nagkakahalaga ng US$ 45.5-M ang inilunsad ng UN at mga humanitarian partner upang maihatid ang tulong sa mga taong apektado ng bagyo na nangangailangan ng kagyat na humanitarian aid sa 16 na prayoridad na munisipalidad sa Catanduanes at mga lalawigan ng Albay bilang suporta sa tugon ng gobyerno ng Pilipinas. Ina-update ang HNP upang maipakita ang epekto ng Bagyong Ulysses.

“Typhoons Rolly and Ulysses have brought great suffering to Filipinos. We are a resilient country and we will get back on our feet as we always do, but the generosity of these countries will make our recovery that much faster,” sinabi ni Locsin.

Ang opisyal ng UN, para sa kanyang panig, ay binanggit ang suporta ni UN Emergency Relief Coordinator Mark Lowcock para sa mabilis na pagsubaybay ng isang kontribusyon sa relief efforts sa pamamagitan ng Central Emergency Response Fund (CERF).

Ang CERF ay isa sa pinakamabilis at pinakamabisang paraan upang matiyak na ang agarang kinakailangang humanitarian assistance ay umabot sa mga taong apektaso ng mga krisis. Ang Rapid Response window ng CERF ay nagbibigay-daan sa UN na magsimula kaagad sa relief efforts aa isang coordinated at prioritized response kapag lumitaw ang isang bagong krisis.

-Roy C. Mabasa