PORMAL na naselyuhan ang partnership ng National Collegiate Athletic Association at ng GMA 7 nitong Biyernes kung saan naging “full blast” ang ginawang pag welcome ng network sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Una itong inanunsiyo sa programang Unang Balita na sinundan ng pag welcome ng mga GMA stars na sina dating NCAA Volleyball MVP Johnvic De Guzman, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Alice Dixson, Jennylyn Mercado, at Dingdong Dantes sa liga sa bago nitong tahanan.
“We are excited that GMA Network is the new home of the NCAA. At the same time, we are grateful to the NCAA board for putting their trust in GMA to serve as a platform in showcasing the talented Filipino student-athletes,” pahayag ni GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon.
Gaya ng UAAP deal sa TV5, lumagda rin ang NCAA sa GMA ng lima at kalahating taong kontrata kung saan bahagi ang centennial celebration ng liga sa 2024.
Maliban sa seniors basketball, ipapalabas din sa bagong sports network ng GMA ang men’s and women’s volleyball, swimming at athletics.
Magkakaroon din ng live streaming ang mga laro sa GMANetwork.com habang ang seniors basketball finals ay ipapalabas sa main channel na GMA-7.
Maaari ring makapanood ang mga NCAA fans sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.
“The NCAA, the Philippines’ first and longest-running collegiate athletic league, is most happy and honored to enter into a partnership with GMA Network, Inc., the Philippines’ number one TV network.”
“We look forward with hope and excitement as we work together to form our young student-athletes to become the next champions and national athletes who will bring honor and glory to our beloved country, moving towards the league’s centennial year,” pahayag ni Fr. Rector Clarence Victor Marquez, OP, Policy Board President ng NCAA Season 96 at President of Colegio de San Juan de Letran.
-Marivic Awitan