Binira ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang Malacañang dahil sa pamumulitika sa ginagawa nilang disaster relief efforts kamakailan.

Ikinatwiran ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, hindi pa rin tumitigil si Harry Roque sa pamumulitika habang sila’y tumutulong sa mga biktima ng typhoon Ulysses.

Idinahilan ni Gutierrez, nag-aksaya pa ng mahahalagang oras si Roque sa “pag-analyze” sa mga tweets ng mga anak na babae ng Bise Presidente.

“Good Lord, 69 Filipinos killed, 325,000 displaced, over P1.5 billion in damages, and this administrtion is now spending its time analyzing tweets by VP’s daughters,” sabi ni Gutierrez.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Aniya, ang Pangalawang Pangulo ay bumalik na sa pagtatrabaho, gayunman ay tatlong araw nang namumulitika si Roque. “Who again is politicking.”

Gayunman, nanatiling matigas si Roque at sinabing si Robredo ang nagpabaya para maging bahagi ng administrasyon sa pamamagitan ng pagkontra sa administrasyon.

Sinabi nito na si Robredo ay hinirang noon bilang puno ng Housing ang Urban Development Coordinating Council at Anti-Illegal Drug Czar.

Pinagbintangan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo na pasimuno sa social media na hinahanap siya o ang #NasaanAngPangulo sa kasagsagan ng bagyo.

Itinanggi ni Robredo ang bintang ng Pangulo at naghamon na repasuhin ang kanyang mga tweets kung talagang naghahanap siya sa Pangulo.

-BERT DE GUZMAN