Sinabi ng co-founder ng BioNTech na si Ugur Sahin nitong Huwebes na ang frontrunner na bakunang Covid-19 na binuo ng kanyang German firm katuwang ang Pfizer ay maaaring mailunsad bago matapos ang taon sa United States o Europe.
“We are working at full speed,” sinabi niya sa AFP sa isang pakikipanayam sa Zoom, kinumpirma na ang plano nila na mag-aplay para sa emergency use authorisation ng kanilang bakuna sa US sa Biyernes, habang ang mga European regulator ay makakatanggap ng isa pang pangkat ng data “next week”.
“There is a chance that we can receive approval from the US or Europe or both regions this year still,” sinabi ni Sahin, 55,n na siya ring BioNTech’s chief executive.
“We may even start delivering the vaccine in December,” dugtong, “if everyone works together very closely”.
Ang bakuna ng BioNTech/Pfizer at isa pa na binuo ng US firm na Moderna ay nanguna sa karera para sa bakuna, matapos ipinakita ng malakihang data ng pagsubok sa buwan na ang kanilang mga bakuna ay nasa 95 porsyento na epektibo laban sa Covid-19.
AFP