ZAMBOANGA CITY – Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), kabilang ang isang sub-leader ng grupo matapos silang makipaglaban sa tropa ng pamahalaan sa Panamao, Sulu, kahapon.
Ayon kay Armed Force of the Philippines- Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. ang unang sagupaan ay naganap sa Bud Bawis Complex, Bgy. Kawasan, dakong 5:45 ng madaling araw.
Napatay sa nasabing engkuwentro ang sub-leader ng ASG na si Hatib Munap Binda at narekober sa kanya ang isang M16 Armalite rifle at isang M14 rifle.
“While scouring the encounter site, marine troops recovered the dead body of ASG sub-leader Binda, one M16 rifle, and one M14 rifle,” ayon kay Vinluan.
“Based on our records, Binda was the senior leader of the ASG operating in the municipalities of Kalingalan Caluang and Panamao, Sulu while Barahama was ASG- sub-leader operating in Panamao, Sulu,” aniya.
Matapos ang isang oras, nagkaroon na naman ng bakbakan sa pagitan ng nasabing bandidong grupo at ng militar na ikinamatay ng isang Bensio Barahama at narekober sa kanya ang M14 rifle, ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng unang insidente.
-Nonoy E. Lacson