MAITUTURING lider si Matthew Wright ng Phoenix Super LPG matapos nitong pamunuan sa ikalawang sunod na semifinals appearance ang koponan sa PBA Philippine Cup.

Sa isa sa mga pinakamalaking laban sa kanyang basketball career at sa history ng Phoenix franchise, idineliber ni Wright ang game-winning 3-pointer sa kanilang 89-88 panalo kontra Magnolia sa quarterfinals.

Tumapos ang 29-anyos na si Wright na may 32 puntos at 9 na assists upang giyahan ang second seeded Fuel Masters na umusad sa All-Filipino semifinals kung saan makakatunggali nila ang no. 3 TnT Tropang Giga sa best-of-five series.

Nagposte ang 6-foot-4 gunner ng average na 20.0 puntos, 4.3 rebounds, at 7.3 assists nang tapusin ng Fuel Masters ang final week ng eliminations sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo upang makamit ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

Dahil sa kabayanihan ni Wright, sya ang naging unanimous choice bilang Cignal TV–PBA Press Corps Player of the Week noong Nobyembre 9-15.

Nakasalo naman nya sa limelight si Meralco rookie guard Aaron Black (9.3 puntos, 3.0 rebounds, at 1.7 assists), matapos mahirang na Rookie of the Week sa ikalawang sunod na linggo.

Dahil din sa kanyang ipinapakitang consistency, nangunguna rin si Wright sa players’ statistical race sa naitala nyang 35.9 statistical points.

Ngunit mas naka focus si Wright sa hangad na mabigyan ang Phoenix ng una nitong titulo.

“That’s the goal that I’ve always wanted. I feel like I’m one of the best. I know that in order to be mentioned among the best, you have to win certain awards and championships. I’m trying to focus on that and doing the right thing,”ani Wright.

-Marivic Awitan