WINALIS  ni National pool member Vanessa Sarno ng Bohol lahat ng tatlong gold medals na nakataya sa women's 71kg ng International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup 2020 na pinangunahan at inorganisa ng Lima, Peru.

Nagtala ang  17-anyos na lifter na tubong Tagbilaran City, Bohol ang perfect na 87-91-93kg sa snatch at 112-116-118kg sa Clean and Jerk upang luklok ang Pilipinas sa 5th.place overall ng ginaganap na international meet.

Sa nasabing winning performance, itinala din ni Sarno ang dalawa sa kanyang  personal best na 93kg sa snatch at kabuuang  211kg upang makamit ang tatlong gold medals sa kanyang weight class.

“Masayang-masaya po kasi na-improved ko ang output ko last year,” pshayag ni na isang mag-aaral ng BIT-IC (Bohol Institute of Technology-International College).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pumangalawa kay Sarno si Nigora Suvonova ng Uzbekistan na nawalis naman ang 3 silvers sa itinala nitong  91kg sa snatch, 117kg sa clean and jerk at total lift na 208kg.

Napunta naman lahat ng tatlong bronze medals kay Nancy Abouke ng Naura sa naiposte nitong 90kg sa snatch, 110kg sa clean and jerk at total na 200kg.

Bukod sa tatlong golds ni Sarno, may isa pang gold, 3 silvers ar isang bronze ang mfa kabataang Pinoy weightlifters sa torneo na napanalunan ng.magkapatid na Rose Jean at Rosegie Ramos.

Unang nanalo ng  gold para sa Team Philippines si Rose Jean Ramos na dinagdagan pa nito ng isang silver sa women's 45kg na sinundan ng kaddpatid nyang si Rosegiebng dalawang silvers at isang bronze sa women's 55kg.

Noong nakaraang taong 2019 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na idinaos Pyongyang, North Korea, nagwagi si Sarno ng dalawang gold medals at isang silver. Marivic Awitan