Inihayag ng Samoa ang kauna-unahang kaso nito ng Covid-19 noong Huwebes, habang nagpatuloy ang pagkalat ng coronavirus sa dating hindi nagalaw na mga bansang isla sa Pasipiko.

126119392_371355443946353_7049848304758420576_n

Nanawagan Prime Minister Prime Minister Tuilaepa Sailele Malielegaoi na maging kalmado ang bansa ng 200,000 matapos kumpirmahin na isang lalaking lumipad sa bansa nitong Biyernes ay nagpositibo habang nasa managed isolation.

“We now have one case and will be added to the countries of the world that have the coronavirus,” sinabi ng pinuno na nakasuot ng mask sa isang pahayag sa telebisyon noong Huwebes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Hanggang kamakailan lamang, ang mga malalayong isla ng Pasipiko ay kabilang sa pinakamatagumpay sa buong mundo na hindi napasok ng virus matapos ang maagang pagsara sa kanilang mga hangganan bilang tugon sa banta, sa kabila ng malaking pagkalugi mga ekonomiya na umaasa sa turismo.

Ngunit sa nagdaang dalawang buwan, ang Vanuatu, Solomon Islands, Marshall Islands at ngayon ang Samoa ay nawala ang kanilang inaasam na katayuan na walang virus, kahit na wala pang nag-ulat ng community transmission.

Ang mga bansang isla at teritoryo ng Kiribati, Micronesia, Nauru, Palau, Tonga, at Tuvalu ay pinaniniwalaang malaya pa rin sa virus.

AFP