Sinabi ng Pfizer at BioNTech nitong Miyerkules na ang nakumpletong pag-aaral ng kanilang pang-eksperimentong bakunang Covid-19 ay nagpakita na 95 porsyento itong epektibo.
Sinabi nila na ang two-dose vaccine ay walang malubhang alalahanin sa kaligtasan at ang mga kumpanya ay mag-aaplay para sa emergency use sa mula sa US regulators “within days.”
“The study results mark an important step in this historic eight-month journey to bring forward a vaccine capable of helping to end this devastating pandemic,” sinabi ni Pfizer CEO Albert Bourla.
Sinabi ng Pfizer noong nakaraang linggo pagkatapos ng preliminary analysis na ang produkto nito ay higit sa 90 porsyento na epektibo.
Noong Lunes, isa pang kumpanya ng biotech na nakikipagkarera upang makabuo ng bakuna, ang Moderna, ay nagsabi na ang sarili nitong bakuna ay 94.5 porsyento na epektibo, ayon sa preliminary analysis.
AFP