Tuloy pa rin si Kapuso star Heart Evangelista at ang kanyang Big Heart PH project, sa pamimigay ng libreng tablets sa students, kahit marami na ang naabutan na nila na magagamit sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa Covid-19 pandemic.

heart

Last July pa sinimulan ni Heart ang initiative na ito para mabigyan ng pagkakataon ang underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

Kaya muling nag-announce si Heart na may panibagong batch ng tablets na kanilang ipamimigay.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last November 9. I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 tables with free data to more student in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry Mobile tablet along with free data!”anunsiyo ni Heart.

Samantala, tiyak na ikatutuwa ng fans ni Heart, na simula sa Monday, November 23, ay muling mapapanood ang romantic-comedy series niya na My Korean Jagiya, na partly shot in Seoul, at co-starring ang Korean actor na si Alexander Lee.

-NORA V. CALDERON