Mga Laro Ngayon
(AUF Gym-Angeles City, Pampanga)
3:45 n.h. -- TNT vs Phoenix
6:30 n.g. -- Ginebra vs Meralco
TATLONG ulit na nagtuos bilang finals protagonists sa Governors’ Cup, dadalhin ng Ginebra at Meralco ang nabuong rivalry sa Philippine Cup sa pagtutuos nila sa best-of-5 semifinals series ng 2020 PBA Philippine Cup.
Nakatakda ang laro ganap na 3:45 ng hapon sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.
Kahit wala sina PBA Governors’ Cup 3-time champion import Justin Brownlee at big man Greg Slaughter, paborito pa rin ang Kings kontra Bolts.
Hangad ng Meralco na maipagpatuloy ang kanilang magandang performance na naghatid sa kanila sa semifinals ng Philippine Cup sa unang pagkakataon mula noong 2010.
Inaasahang sasakyan ng Meralco ang nakuhang momentum sa dalawang sunod nilang panalo na nagpatalsik sa dating 5-time champion San Miguel Beer.
Sa kanilang kasalukuyang sitwasyon, “nothing to lose and everything to gain” ang Meralco kontra Ginebra na ilang beses na rin silang binigo.
“They’ve been getting the better end of the match-up. Hopefully, we can change that this conference,” pahayag ni coach Norman Black.
Sa tampok na laro, magtutunggali naman ganap na 6:30 ng gabi ang TNT at ang Phoenix.
Ngayon lamang umabot ng semis ang Phoenix mula ng bilhin nila ang prangkisa ng Barako Bull sa kalagitnaan ng 2016 season.
-Marivic Awitan