PATI kami nagtatanong kung break na nga ba sina Derek Ramsay at Andrea Torres dahil bukod sa ilang araw ng walang sightings sa dalawa na nakakapanibago. Ang isa pang nakitang katibayan na break na ang dalaw ay kanilang inalis sa kani-kanyang Instagram page ang kanilang litrato na magkasama sila o kahit solo pictures ng bawat isa.
Heto pa, in-unfollow na ni Andrea si Derek sa IG, pero si Derek, naka-follow pa kay Andrea. Lalo itong nagpapatunay na hiwalay na sila o kundi pa hiwalay, may malaking problema sa kanilang relasyon. Kanya-kanya ng comments ang netizens, may nagsabing tama sila sa sinabi nila noong una pa man ng relasyon ng dalawa na hindi magtatagal ang kanilang relasyon. Unfair lang kay Derek dahil siya ang sinasabing dahilan kundi sila magkakatuluyan ni Andrea dahil he is not the marrying kind of guy.
Ang gustong malaman ngayon ng netizens, lalo na ang fans nina Derek at Andrea ay kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay o ano ang naging problema sa kanilang relasyon na wala pa yatang one year.
-Nitz Miralles