TUMULAK kahapon patungong Doha, Qatar ang Philippine Chooks-Manila 3x3 squad na binubuo nina PH No. 1 Joshua Munzon, No. 2 Alvin Pasaol, No. 5 Troy Rike, at No. 6 Santi Santillan para sumabak sa FIBA 3x3 World Masters Cup.

"The spirit of bayanihan was truly alive," pahayag ni Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league owner Ronald Mascariñas, patungkol sa pagtutulungan ng mga ahensiya at indibidwala para masiguro ang maayos na partisipasyon ng koponan.

"FIBA 3X3's senior manager Ignacio Soriano and 3x3  Events and Partners Associate Valentina Mattioli -- both of whom are in Spain -- and the Qatar ministry moved heaven and earth just to get the visas for the players," aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang torneo ay level 10-ranked 3x3 tournament na magsisimula sa Lunes (Martes sa Manila).

Bilang pagtalima sa health protocol, sumailalim sa mandatory room quarantine sa kanilang hotel ang koponan at papayagan lamang silang makalbas matapos makuha ang resulta ng kanilang PCR test.

Hindi pa malinaw kung anong koponan ang kagrupo ng Manila-Chooks para sa torneo na may nakalaang US$40,000 na premyo para sa kampeon.

Kasama rin sa torneo ang Liman at UB ng Serbia; Riga ng Latvia; NY Harlem at Princeton ng USA; Lausanne ng Switzerland; Jeddah at Riyadh ng Saudi Arabia; Kamakura at Yoyogi ng Japan; Bielefeld ng Germany; Utana ng Lithuania; at home team Lusail.

"Born-ready kami. We’re confident naman eh dahil doon sa pinakita namin doon sa Calambubble sobrang laki ng inimprove ng team namin lalo na sa tiyaga," pahayag ni Pasaol.

"Hindi kami naiinip or nasisiraan man ng kumpyansa dahil malakas ang kalaban. Yun yung pinakamaganda sa amin ngayon kasi yun nga parang kalmado lang, hindi masyadong nagpapanic, yun yung good side doon." Marivic Awitan