PAG-ASA ang hatid ngayong Pasko ng bagong single ng OPM Acoustic Princess at GMA Music artist na si Princess Velasco, sa kanyang original Christmas song na The New Born King.

Espesyal at malapit sa puso ni Princess ang kantang ito na unang isinulat ng kaniyang amang si Alfredo Velasco noong 1964. Sa kasagsagan ng quarantine ay nabuo na nito ang kanta at naisip ni Princess na magandang regalo sa ama ang pag-produce niya nito sa tulong ng kaibigang si Mic Llave.

“I don’t live with my father anymore so I miss him and worry about him, more so since the quarantine started. So when he sent this song that he wrote more than 50 years ago, and asked me to sing it, I figured it would be a nice gift to him to record it and have it produced. I asked my friend Mic Llave to arrange it, and I recorded it here at home using my simple setup. I sang it the way it was arranged - which is full of life and joy! I made sure to smile while singing it, because the message of the song is really about celebrating the birth of Jesus.”

Sa tulong daw ng The New Born King, nais ni Princess na alalahanin natin ang gabing pinanganak si Hesus at kung paano ginabayan ng isang makinang na bituin ang tatlong hari papunta sa sabsaban. Magsisilbi rin daw itong paalala sa lahat ng nawawalan ng pag-asa dahil sa mga pagsubok ngayong taon na mayroon pa ring dahilan para ipagdiwang ang paparating na Kapaskuhan.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Simula Nobyembre 1 6 , mapapakinggan na ang The New Born King sa YouTube Music, Spotify, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.

-MERCY LEJARDE