BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ang agarang pangangailangan upang matugunan ang matinding kahirapan na pinalala pa ng nagpapatuloy na coronavirus disease (COVID-19) sa pamamagitan ng kolektibong pagsisikap upang mapabilis ang socio-economic recovery ng mga bansa sa rehiyon.

“We must redouble our collective efforts to address extreme poverty. We must accelerate our nation’s and the region’s socio-economic recovery,” pahayag ni Duterte sa kanyang intervention speech sa 2nd Asean-Australia Biennial Summit.

Ayon sa pangulo, kailangang humanap ng paraan ang magkabilang panig kung paano mapasisiglang muli ang kalakalan at ekonomikal na ugnayan.

Dito nabanggit niya ang Asean-Australian, New Zealand Free Trade Agreement, at ang Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement, na magpapahintulot ng “more buoyant bounce back to our economies”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bagamat kinikilala ng punong ehekutibo ang pagbabagong idinulot ng pandemya sa kung paano nekikipagnegosasyon ngayon ang mga bansa, idiniin niya na maaaring magbukas ng daan ang agham, inobasyon at teknolohiya para makaahon ang mga ekonomiya, na magpapalakas ng kooperasyon sa rehiyon.

Aniya, kinikilala rin ng Pilipinas ang gampanin ng kababaihan sa post-pandemic recovery efforts.

“We strongly support gender-sensitive initiatives that recognize the role of women in post-pandemic recovery efforts. The economic and social imperatives for these are clear: Empowered women support economic growth and resilience,” aniya.

Sinamantala naman ng pangulo ang pagkakataon upang magpahayag ng pasasalamat sa Canberra sa ibinigay nitong suporta sa “maternal and neonatal health services” sa Pilipinas, na nagbigay benipisyo sa mga kababaihan ng Masbate.

Samantala, nanawagan siya sa mga kapwa niya lider na ihanda ang rehiyon sa future pandemics sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kapasidad ng bawat sistemang pangkalusugan ng mga bansa gamit ang Asean-Australia Health Security Partnership.

Upang mapabilis ang pagbangon sa rehiyon, sinabi ni Duterte na kailangang mangibabaw ang kapayapaan, seguridad at katatagan para sa mabilis na pagbangon.

“We must not let up in our collective efforts to combat terrorism and transnational crimes. We must continue working together to deter terrorist fighters. We must address the root causes of violent extremism and radicalization,” aniya, kasabay ng pagpuri sa technical assistance ng Australia sa pagbuo ng Philippines’ Anti-Terrorism Act of 2020.

Nanawagan din ang pangulo ng mas malakas na kooperasyon sa usapin ng law enforcement, immigration, at customs.

“We continue to fight against these deplorable threats to our societies: Illicit drugs, online child exploitation and abuse, human trafficking, and cybercrimes. As Asean Voluntary Lead Shepherd for trafficking in persons, the Philippines calls for a greater Asean-Australia collaboration on the capacity-building in combatting human trafficking in the region,” aniya.

PNA