KAHIT nasa lock-in taping ng Love of my Life, kumikilos at gumagawa ng paraan si Carla Abellana para makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, lalo na ang mga alagang aso, pusa at iba pang hayop. Kilalang animal advocate ang Kapuso aktres at ikinalungkot at apektado siya sa mga nagba-viral na litrato ng mga hayop na naiwan ng kanilang mga may-ari.
Nanawagan ng tulong at donation sa netizens si Carla at nakakatuwang marami ang tumugon at nagpadala at magpapadala pa ng donations. Nakasulat kung ano
ang mga kailangan ng mga asong na-save at marami sila.
Gamit din ang social media, nag-offer ng prayers si Carla, “Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless. I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for those who were left locked indoors, left trapped in their cages or left behind tied up with a chain or leash. How will they survive the cold rain and the flooding.”
Dagdag pa ni Carla, kung pupuwede lang daw sana ay siya na mismo ang tutulong, “I desperately want to be out there to help. Just like during the Taal eruprion early this year. But I can’t this time and I’m having the same kind of anxiety again for the animals. Please send persons to help, them, Lord.”
-Nitz Miralles