Binigyang diin ng isang lider ng Kamara ang pangangailangan na magtatag ng isang katawan ng gobyerno upang maprotektahan ang 500-kilometrong bulubundukin ng Sierra Madre na naging safety net ng bansa laban sa malalakas na bagyo sa loob ng daang siglo.
“The increased frequency and severity of flooding in areas close to the Marikina River, as well as in towns in the Cagayan Valley, are attributed to the loss of Sierra Madre’s forest cover. We can no longer ignore this,” sinabi ni Assistant Majority Leader Rizal Rep. Fidel Nograles.
Ayon sa kanya, ang mga nakakagulat na ulat ng pagbaha na bunsod ng bagyo sa mga residential areas “emphasize the importance of taking concrete steps to care for the Sierra Madre mountain region.”
Ang House Bill No. 5634, na isinampa ng Harvard-trained lawyer noong nakaraang taon, ay nagmumungkahi ng paglikha ng isang Sierra Madre Development Authority (SMDA).
-Ellson Quiamorio