Tinatayang nasa 440-pamilya ang nabigyan ng family food pack sa ikinasang relief operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan noong Sabado at Linggo.
Ito ang impormasyong ipinaabot ni Provincial Social Welfare and Development Office Head Helen Donato.
Ayon sa report kahapon ng Cagayan Information Office, ang mg natulungan ay ang mga pamilyang nananatili sa bubungan ng kanilang bahay at hindi kayang abutin maliban sa paggamit ng sasakyang panghimpapawid.
Ang aerial drop operations nitong Sabado at Linggo ay isinagawa sa mga bayan ng Iguig, Amulung, Alcala, Gattaran, Enrile at Solana.
Katuwang ng Kapitolyo sa paghatid ng tulong ay ang 505th Search and Rescue Group at 205th Helicopter Wing ng Philippine Air Force. Nagsagawa din ng Aerial Survey kahapon ang Pamahalaang Panlalawigan, Office of the Civil Defense at Philippine Coast Guard sa pamamagitan nina Provincial Adminsitrator Darwin Sacramed at OCD RD Harold Cabreros.
-Liezle Basa Inigo