ANG bilis kumilos ng members ng aktor dahil kapo-post lang ni Dingdong Dantes na humihingi ng tulong para ra mga nasalanta ng bagyong Ulysses, kinahapunan, nag-deliver na sila ng first batch ng relief goods sa Marikina. Sa first batch, apat na distributions ang kanilang nagawa at marami silang natulungan.
Sabi ni Dingdong sa kanyang post, “Kapit-bisig nating tulungan ang mga nasalanta ng bagyong #Ulysses. Humihingi ang AktorPH ng tulong na abot sa kakayanan n’yo-
malaking tulong ang anumang halaga o ang mga sumusunod. Sama-sama nating harapin ang sakunang ito at iahon ang isa’t isa.”
Binanggit ni Dingdong na kailangan nila ng tulong na damit, kumot, tuwalya, Vitamin C, tubig, bigas at de lata.
Katulong ng aktor sa kanilang ginagawang pagtulong ang Andrew’s Fund, Caritas Manila, at YESPinoy Foundation na kanya ring pinamumunuan.
Speaking of Dingdong, kahit busy sa aktor, hindi nito nito nakalimutang ipaalala sa kanyang fans at netizens na nagsimula nang i-stream sa Netflix ang drama series ng GMA-7 na Descendants of the SunPH na adaptation ng bansa sa hit Korean drama.
Pinost ni Dingdong ang poster ng DOTS na nasa litrato sila ni Jennylyn Mercado at nakasulat na “Trending Now.”
“Nasa Netflix na kami starting today!” ang masayang post ni Dingdong. Ang nabasa namin, aabot hanggang January 2021 ang streaming ng Netflix sa DOTSPH dahil 65 episodes ang ipalalabas.
-Nitz Miralles