Nanawagan ang mga netizen mula sa Cagayan sa pambansang pamahalaan at mabubuting tao na tulungan sila dahil ang karamihan sa mga lugar ng lalawigan ay nalubog pa rin sa tubig-baha dahil sa Bagyong Ulysses.
Sa isang viral na post ngayon ni Monica Shaine Time-Jimenez, umapela siya para sa media na tulungan ang mga residente sa pamamagitan ng pag-uulat sa kanilang problema sa Cagayan at pagpapadali ng mga donasyon ng relief goods.
“The flood is rising continually due to heavy rains. Please help us reach the media by using these hashtags. Tweet or post using these hashtags. CAGAYAN IS CALLING FOR HELP,” sinabi niya sa kanyang post.
This was also the plea Facebook user Fatima Domingo whose post also went viral, saying Cagayan “is also part of the Philippines.”
Ito rin ang pakiusap ng Facebook user na si Fatima Domingo na naging viral din ang post na nagsasabing ang Cagayan ay “also part of the Philippines (bahagi rin ng Pilipinas).”
Nanawagan si Domingo sa iba pang mga netizen na makuha ang atensyon ng pambansang media upang ang mga mabubuting tao ay maaaring magpadala sa kanila ng tulong.
“I have been watching news since yesterday and I see little to no media coverage of the recent flooding in Cagayan Valley and Isabela. In fact, this is one of the worst, if not the worst flooding Cagayaños and Isabeleños have experienced since decades,” isinulat niya.
Sinabi ni Domingo na maraming mga tao ang humihiling na iligtas dahil nasa mga rooftop na sila.
“[B]ut truth be told, our LGUs do not have enough equipment and manpower to rescue. They have been rescuing since yesterday, nonstop. Some people are still stranded in their houses filled with flood water up to now,” aniya.
“Families with kids, senior citizens and sick members have been crying for help since this morning. There are still people who need to be rescued as of this moment, especially in Tuguegarao City which is still submerged in water.”
Marami pang ibang netizens mula sa Cagayan ang nag-post din ng parehong apela sa paggamit nila ng hashtag na #CagayanNeedsHelp sa Facebook.
-JEL SANTOS