Pinost ni Nadia Montene­gro ang video kung saan, makikitang binaha ang bahay nila sa Town and Country Ex­ecutive Village. Nakalagay sa hashtag ang #Marikina, ibig sabihin sa Town and Country sa Marikina ang kanilang bahay.

Ang taas ng tubig-baha sa lugar nina Nadia na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Makiki­tang nabasa ang kanilang mga gamit at ang refrigerator ay nakalubog pati ang sofa, inabot ng tubig, mabuti at hanggang sa paa lang ng mga sofa.

Kundi kami nagkakamali, hindi ito ang first time na binaha sina Nadia dahil minsan na rin silang binaha noong nakatira pa sila sa may Ortigas.

Siguro kahit maganda ang bahay kapag binabaha, kailan­gang lumipat. Nakaka-stress, nakakapagod, at nakakatakot ang bahain.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

-Nitz Miralles