Kontrabida man at tala­gang kinaiinisan si Kapuso actress Aiko Melendez ng view­ers ng GMAAfternoon Prime series na Prima Donnas, may gusto naman siyang ibigay na aral sa kanila ang role niya bilang si Kendra Fajardo.

aiko

“One thing na kailangan nil­ang abangan ay kung gaano ka­mahal ni Kendra si Jaime (Wen­dell Ramos),” saad ni Aiko. “kasi si Direk Gina (Alajar),ipinakita niya rito ang obsession ni Kendra kay Jaime. Kaya dapat matutu­nan ng mga viewers na ang pangarap ng isang tao, dapat may hangganan. Hindi lahat ng pangarap mo dapat mong tuparin, kung nakasasakit ka na sa ibang tao.

“Ang tamang pagmamahal dapat may hangganan din, kasi nakababaliw talaga ang sobrang pagma­mahal, lalo na kung alam mong hindi ka naman mahal talaga ng taong ito,” paliwanag ni Aiko.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Ang fresh epi­sodes na ng Prima Don­nas ay napapanood araw-araw pagkatapos sa GMA-7.

-NORA CALDERON