MAYROON nang teknolohiya na magpapababa sa panganib ng pagkalugi ng mga magsasaka at makatutulong sa kanila na lumaki ang kita.

“Imagine Filipino rice farmer Mang Romeo checking his cellphone for the type of soil of his sakahan, or the current price of his crops, or the weather and getting immediate response so that he can make the proper interventions,’’ pagbabahagi ni Opposition Senator Francis ‘’Kiko’’ N. Pangilinan nitong Miyekules.

Ito ang hangad ng mga eksperto sa agrikultura at teknolohiya para sa mga Pilipinong magsasaka sa pagprisinta nita ng data science, 3D printing, satellite imagery, at iba pang teknolohiya sa Sixth Agricultural Development Coffee Talk Series entitled, “Towards A Data-Driven Rice Policy.’’

“Ito ang gusto nating mangyari para maahon sa kahirapan ang ating mga magsasaka. At pag nangyari ito, masisiguro rin natin na may pagkain tayong lahat sa ating hapag-kainan,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Si Pangilinan ang may-akda ng Sagip Saka Act, o Republic Act 11321.

Nakapaloob sa Seksyon 3 ng Sagip Saka Act na gagamit ang pamahalaan ng science-based technologies upang matukoy at maprayoridad ang agricultural at fishery products. Ayon kay Pangilinan, na isang vegetable farmer, ang teknolohiya ay naging krusyal sa gitna ng nagpapatuloy na coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa panahong ang mga magsasaka sa mga rural areas ay nagiging direktang konektado sa mga konsumer sa siyudad.

“The future is digital, even in farming. The challenge is to bring these technologies to the farmers,” aniya.

Binigyang-diin ni Pangilinan na layon ng Sagip Saka Law na mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa pagpapaikli ng food supply chain sa pamamagitan ng direktang pagbili ng mga konsumer (local at national governments at private buyers) mula mismo sa mga nagtatanim. Aniya, dapat itong sabayan ng patuloy na pananaliksik upang mapaunlad ang produksyon at distribusyon ng pagkain.

Ayon kay Dennis Layug, senior technical adviser on information technology at marketing of the Department of Agriculture (DA), malapit nang magkaroon ng direktang komunikasyon ang mga magsasaka at mangingisda sa DA sa pamamagitan ng chatbots, na magsisilbi ring survey platform ng ahensiya. Inorganisa ng COVID-19 Action Network and Action for Economic Response, kabilang sa mga tagapagsalita sina Eduardo Jimmy Quilang Ph.D., officer in charge at project leader ng Philippine Rice Information System (PhilRICE).

-Mario Casayuran