Mga Laro Ngayon

(AUF Gym-Angeles City, Pampanga)

4:00 n.h. -- San Miguel Beer vs. Meralco

6:45 n.g. -- Rain or Shine vs. Ginebra

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

GANAP na makausad sa semifinals para patuloy na buhayin ang kanilang title retention bid ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pagsisimula ng quarterfinal round ng 2020 PBA Philippine Cup ngayong araw na ito sa Pampanga.

Makakatunggali ng Beermen ang Meralco Bolts sa unang laro ganap na 4:00 ng hapon. Pumasok na no.4 seed, taglay ng SMB ang bentaheng twice-to-beat kontra 5th seed Meralco.

Magkakapantay na tumapos sa ikatlong posisyon pagkatapos ng élimination ang TNT, San Miguel, Meralco, Alaska at Magnolia hawak ang 7-4, panalo-talong kartada. Ngunit dahil sa mas mataas na quotient, nakuha ng Tropang Giga at Beermen ang no.3 at no.4 spots papasok ng playoffs para makasama ng no.1 Ginebra at no.2 Phoenix na may insentibong twice-to-beat sa quarters.

Sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi, sisikapin naman ng Barangay Ginebra na hindi masayang ang pagiging elimination topnotcher nila sa pagsagupa nito sa 8th seed Rain or Shine.

Gagawin ng Kings ang kanilang makakaya upang hindi maulit ang 82-85 na kabiguan nila sa Elasto Painters noong Oktubre 27 sa una nilang paghaharap sa loob ng bubble.

Marivic Awitan