Puspusan na ang ginagawang aksyon ng Department of Energy (DOE) upang maibalik agad ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Ulysses’ sa Central at Southern Luzon, maging sa Metro Manila.
Ito ang tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi, kahapon.
Ayon kay Cusi, plantsado na ng Task Force on Energy Resiliency ang disaster preparedness at response protocols.
Pinaalalahanan din ni Cusi ang National Power Corporation (NAPOCOR) na gawing prayoridad ang kaligtasan ng mamamayan kasabay ng pagpapakawala ng tubig sa mga dam.
Ipinahahanda na rin ni Cusi sa Task Force ang emergency generation sets para magbigay ng kuryente sa vital infrastructures sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.
Sa initial power situation update ng DOE, 3,803.8 megawatts mula sa generating facilities sa Luzon Grid ang nananatiling naka-shutdown.
Apektado rin ng power outage ang Nueva Ecija, Tarlac, at Pampanga.
-Beth Camia