Taun-taon, iba’t iba ang ginagawang Christmas Sta­tion ID ng GMANetwork. At ngayon pa lamang damang-dama na ng mga netizens ang nalalapit na Kapaskuhan sa sunud-sunod na posts ng Kapuso Network na may hashtag na “Isang Puso Ngayong Pasko.”

Bumuhos nga ang excitement at haka-haka mula sa netizens kung sinu-sinong artista ang nasa likod ng mga puso na napapa­nood sa teaser videos. “Abangers na po and excited much to watch it!”

Mababasa naman sa isang photo caption na “Ipakita ang pagmamahalang totoo ngayong Pasko.”

Sey pa ng isang netizen na hindi maitago ang tuwa para sa misteryosong teaser photos, “Please ano ba yan? Wag nyo na akong bitinin. Haha!”

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Inilunsad ang 2020 Christmas Station ID ng GMANetwork na “Magkakaisa ang Ating Mga Puso” kahapon ng gabi, sa 24 Oras.

-NORA V CALDERON