SI Piolo Pascual ang latest celebrity na nag-donate ng bikes para sa “Donate A Bike, Save A Job” ni Gretchen Ho. Aabot sa 200 bikes ang dinonate ni Piolo at may kasama pang vests, at helmets. Ang first 100 bikes ay nai-turn over noong November 9 sa Quezon Memorial Circle at ang second batch ay itu-turn over sa Nov. 15.
Ang “Donate A Bike, Save A Job” ay binuksan ni Gretchen na naglalayong tulungan ang ating mga kababayan sa kanilang transportation sa panahon ng pandemya. Sinimulan ni Gretchen ang nasabing project noong Agosto.
Nag-donate na rin ng bikes sa project na ito ni Gretchen sina Catriona Gray, Sam Milby, at Zanjoe Marudo, Lyn Ching, Paolo at Suzi Abrera at ilan pang personalidad at individual donors. Ang goal ng proyekto ay makapagbigay ng 500 bikes.
-NITZ MIRALLES