NANAWAGAN ng agarang aksiyon ang United Nations International Children’s Emergency Children’s Fund at World Health Organization upang maiwasan ang malawakang epidemya sa tigdas (measles) at polio habang patuloy na naaapektuhan ng COVID-19 ang immunization services sa buong mundo.

Binigyang-diin ni WHO Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus ang pangangailangan sa resources at commitments upang maiwasan ang pagkalat ng sakit tulad ng polio at tigdas.

“We have the tools and knowledge to stop diseases such as polio and measles. What we need are the resources and commitments to put these tools and knowledge into action. If we do that, children’s lives will be saved,” aniya.

Ayon sa UNICEF, ipinakita sa nakalipas na mga taon na nagkaroon ng muling pag- usbong ng kaso ng tigdas habang nagkaroon ng mga outbreaks sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Noong 2019, umakyat ang kaso ng tigdas sa pinakamataas na bilang ng bagong impeksyon sa nakalipas na dalawang dekada, dagdag pa niya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inaasahan ng UNICEF ang pagtaas ng poliovirus transmission sa mga bansa ng Pakistan at Afghanistan gayundin sa maraming under-immunized na lugar sa Africa.

Nagbabala rin ang ahensiya na ang pagkabigo na mapuksa ang polio ay maaaring humantong sa muling pag-usbong ng sakit sa mundo, na maaaring magresulta sa 200,000 bagong kaso kada taon sa loob ng 10 taon.

“We cannot allow the fight against one deadly disease to cause us to lose ground in the fight against other diseases,” paalala ni UNICEF Executive Director Henrietta Fore.

“We are urgently calling for global action from country leaders, donors, and partners. We need additional financial resources to safely resume vaccination campaigns and prioritize immunization systems that are critical to protect children and avert other epidemics besides COVID-19,” dagdag pa niya.