Ang isang bakuna na magkasamang binuo ng Pfizer at BioNTech ay 90 porsyento na epektibo upang maiwasan ang mga impeksyon sa COVID-19 sa nagpapatuloy na mga pagsubok sa Phase 3, inihayag ng mga kumpanya nitong Lunes.

Tumaas ang European stock market at mga presyo ng langis sa anunsyo.

Iilarawan ni Presideng Donald Trump tagumpay bilang “great news”. Sinabi ng nangungunang US pandemic expert na si Anthony Fauci na ang resulta ay “extraordinary”.

Ayon sa preliminary findings, ang proteksyon sa mga pasyente mula sa iba’t ibang mga etnikong pinagmulan ay nakamit pitong araw pagkatapos ng pangalawa sa dalawang dosis ng bakuna, at 28 araw pagkatapos ng una.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ng mga kumpanya na inaasahan nilang magkakaloob ng hanggang sa 50 milyong dosis ng bakuna sa buong mundo sa 2020, at hanggang sa 1.3 bilyon sa 2021.

“The first set of results from our Phase 3 Covid-19 vaccine trial provides the initial evidence of our vaccine’s ability to prevent Covid-19,” sinabi ni Pfizer chairman at CEO Albert Bourla sa isang pahayag.

“We are a significant step closer to providing people around the world with a much-needed breakthrough to help bring an end to this global health crisis.”

Ang bakunang Pfizer at BioNTech na BNT162b2 ay nagsimula sa huling yugto - Phase 3 - ng klinikal na pagsubok nito noong huling bahagi ng Hulyo at nagpatala ng 43,538 mga kalahok hanggang ngayon, 90 porsyento dito ang nakatanggap ng pangalawang dosis hanggang Nobyembre 8.

Sinabi ni Pfizer na nagtitipon ito ng dalawang buwan ng data ng kaligtasan kasunod ng huling dosis upang maging kwalipikado para sa Emergency Use Authorization sa United States, na inaasahan nito sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

“We look forward to sharing additional efficacy and safety data generated from thousands of participants in the coming weeks,” ani Bourla.

‘Watershed moment’

Habang ang pagsubok ng Pfizer-BioNTech ay hindi pa nasusuri ng mga eksperto, positibo ang reaksyon ng mga siyentista - at maingat - sa mga resulta.

Si Michael Head, senior research fellow in global health sa University of Southampton, ay tinawag itong isang “excellent result for a first generation vaccine”.

Si Peter Horby, propesor ng emerging infectious diseases and global health sa Nuffield Department of Medicine, University of Oxford, ay nagsabi na ang anunsyo ni Pfizer na “feels to me like a watershed moment” sa pandemya.

AFP