Magpapatuloy ang scheduled weekend shutdown ng MRT-3 sa darating na ika-14 hanggang ika-15, at ika-28 hanggang ika-30 ng Nobyembre 2020, bilang bahagi ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa bansang Hapon.

Magpapatupad ang pamunuan ng rail line ng temporary shutdown sa operasyon ng mga tren nito sa mga nasabing petsa upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.

Matatandaang pansamantalang iniurong ang nakatakdang weekend shutdown noong ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020 bilang pag-iingat sa pagtama ni Bagyong Rolly sa bansa upang ma-protektahan ang mga manggagawa ng MRT-3 na bahagi ng mga gagawing aktibidad sa mga nasabing petsa.

Parte ng gagawing bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ay ang pagsasaayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kabilang banda, ipagpapatuloy rin ang isinasagawang pagsasaayos at pagpapalit ng mga turnouts sa Taft Avenue station. Bahagi ng turnout activity na ito ay ang pagsasaayos ng 2A at 2B turnout sections sa Taft Avenue.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Noong ika-2 ng Nobyembre ay iniakyat na ng MRT-3 ang train running speed nito sa 50kph mula sa dating 40kph. Target na maiakyat pa ito sa 60kph sa Disyembre, oras na matapos ang pagsasaayos ng turnouts.

#DOTrPH

#DOTrMRT3

#SulongMRT3