THANKFUL si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nasa ikatlong taong anibersaryo na ang hino-host niyang award-winning GMA drama anthology tungkol sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), ang Tadhana. Pawang mga fresh episodes na ang mapapanood simula nitong Sabado, November 7, na dala ni Marian ang mas malaking maleta ng mga kuwentong naglalaman, hindi lamang ng mga totoong paglalahad ng pakikipagsapalaran, pag-asa, pagkabigo, at pangarap ng ating mga OFWs. More episodes ng mga kuwento ng pagpupunyagi, pagsubok, at tagumpay ng mga karaniwang Filipino na kapupulutan ng inspirasyon at aral ng mga manonood.

marian

Ngayong November 7 at 14, mapapanood ang The One That Ran Away ampok sina Paolo Contis, EA Guzman at Kim Molina, with Dave Bornea at Didong.

Sa November 21 at 28, tampok naman ang 55 (Hindi Pa Huli Ang Umibig) na tampok naman sina Cherie Gil, Jon Lucas, Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez, at Cecil Paz. Ang dalawang episodes ay parehong idinirek ni Rember Gelera.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Nora V. Calderon