HANDA ang Philippine Racing Club, Inc. (PRCI) na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Games and Amusements Board (GAB), gayundin ang pagbabalik sa mga taya ng mga horseracing aficionados na naapektuhan sa bagong inilunsad na mobile off-track betting (MOTB) stations.

“Last week, nagkaroon ng konting problema sa pagmamadali na mai-launch yun MOTB. Gaya ng mga bagong platform, may problema sa umpisa. But ang PRCI ay lagi naman handa na makipagtulungan sa GAB para maituwid ang lahat,” pahayag ni PRCI racing manager Antonio Alcasid, Jr. sa kanyang paglahok sa ‘Usapang Sports on Air’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes.

PINANGUNAHAN ni Games and Amusements Board (GAB) Medical Section Chief Dr. Radentor Viernes, kasama ang mga nurse na sina Charlemaigne Belarmino, Safety Officers Oliver Evangelista, at Janela Deauna, ang inspeksyon sa kabuuan ng Riviera Golf and Country Club na magsisilbing host sa isasagawang ‘bubble tournament’ ng Pilipinas Golf Tour Inc. sa Silang, Cavite. Nakatakda ang ‘bubble’ sa Nobyembre 16 hanggang Disyembre 17 sa Couples course.

PINANGUNAHAN ni Games and Amusements Board (GAB) Medical Section Chief Dr. Radentor Viernes, kasama ang mga nurse na sina Charlemaigne Belarmino, Safety Officers Oliver Evangelista, at Janela Deauna, ang inspeksyon sa kabuuan ng Riviera Golf and Country Club na magsisilbing host sa isasagawang ‘bubble tournament’ ng Pilipinas Golf Tour Inc. sa Silang, Cavite. Nakatakda ang ‘bubble’ sa Nobyembre 16 hanggang Disyembre 17 sa Couples course.

“Right now, horseracing is allowed only once a week na pinaghahatian ng tatlong karerahan. Napaka-hirap ito sa isang club na gaya namin na nag-dedepende sa mga tao, sa mga taya. Sa tatlo kami na lang ang walang online platform. Kaya para makahabol kami, naiisipan ng PRCI na mag- develop ng online, MOTB,” sambit ni Alcasid sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“As we speak, inaayos na ang lahat ng problena sa MOTB satulong ng GAB. Nakikipag-coordinate na kami sa GAB para sa kanilang inspection at para mabayaran yun mga taya na dapat bayaran.”

“We can assure the betting public. In fact, nag-post na ang betting department ng PRCI for our MOTB members/users to check their accounts for their winnings. Kung may mga katanungan pa, handa kami sagutin,” aniya.

“It’s a matter of rounding numbers. Syempre sa pagtaya, you have to round up numbers. When computed based on the old system, may mga discrepancy.”

Nitong Nov. 4, matapos matanggap ang reklamo ng bayang karerista, pinadalhan ng sulat ni GAB Horseracing Betting Division chief Marissa So si PRCI EVP/COO Santiago N. Cualoping III para magpaliwanag, gayundin ipinaalam ng ahensiya ang pagsasagawa ng testing and evaluation sa kanilang MOTB system.

-Edwin Rollon