DELAWARE (AFP) - Hinimok ng Democrat na si Joe Biden ang pagkakaisa nitong Sabado at nangako ng isang bagong araw para sa Amerika sa kanyang unang pambansang talumpati mula nang magwagi siya sa maigting na halalan sa US at tinapos ang magulo at mapaghating panahon ni Donald Trump.
Matapos mag-jogging papunta sa entablado sa labas sa tunog ni Bruce Springsteen sa kanyang bayan sa Wilmington, Delaware, si Biden ay nagbigay ng isang mensahe ng pag-asa at paghilom.
Nangangakong “not to divide but unify,” iniabot ni Biden direkta ang mga kamay sa Trump supporters, nagdeklarang “they’re not our enemies, they’re Americans.”
“Let’s give each other a chance,” he said, urging the country to “lower the temperature.”
“Let this grim era of demonization in America begin to end, here and now.”
Sa isang banda, sinabi ni Biden na “[I would] make America respected around the world again” -- na isang reference sa mapaghating traditional diplomatic ties ni Trump.
“Tonight, the whole world is watching America and I believe that at our best America is a beacon for the globe,” aniya.
Ito ang kauna-unahang pagpapakita sa publiko ni Biden mula nang ideklara ng US television networks noong Sabado na kinuha niya ang isang mahahabol na pangunguna sa halos kumpletong bilang mula sa halalan noong Martes, na nagbibigay sa kanya ng tagumpay laban kay Trump.
Ang celebratory event, na nagtatampok ng confetti canon, fireworks at isang soundtrack kasama ang musika nina Springsteen at Tina Turner, ay binigyan din ang mga Amerikano ang isang mas malapit na pagtingin sa running mate niyang si Kamala Harris, na gagawa ng kasaysayan bilang unang babae at unang Black vice president ng bansa. Sa kanyang talumpati, pinuri ni Harris ang record turnout ng humigit kumulang 160 milyong katao sa halalan at sinabi na pagkatapos ng labis nadibisyon, “Joe is a healer.”
“When our very democracy was on the ballot in this election, with the very soul of America at stake, and the world watching, you ushered in a new day for America,” sinabi niya.
Si Biden, na 77 at magiging 78 sa buwang ito, ang magiging pinakamatandang lalaki na maging pangulo sa pag-upo niya sa Enero 20.
Ngunit si Trump - na naging unang one-term president simula ni George H. W. Bush noong 1990s - ay tumanggi na tanggapin ang pagkatalo at patuloy na inaangkin na siya ay biktima ng pandaraya.
Sinimulan na ng Secret Service ang pagpapaigting ng proteksiyon nito sa paligid ng president-elect, na iinaguragahan sa Enero 20.