Mga Laro Ngayon
(AUF Gym-Angeles City, Pampanga)
1:00 n.h. -- Phoenix vs Blackwater
4:00 n.h. -- Alaska vs NLEX
6:45 n.g. -- Terrafirma vs Ginebra
NAPUTOL ng Rain or Shine ang three-game losing streak para makapuwesto sa top 4 papasok ng quarterfinals matapos patalsikin sa kontensiyon ang Blackwater, 82-71, nitong Biyernes 2020 PBA Philippine Cup restart sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.
Sinamantala ng Elasto Painters ang mababang laro ng Elite sa third period upang makamit ang ika-5 panalo sa loob ng siyam na laro.
Umiskor lamang ang Blackwater ng 11 puntos kontra 25 puntos ng Rain or Shine sa third canto upang maitayo ang 63-45 na bentahe sa simula ng 4th period.
Pinangunahan ni Javee Mocon ang nasabing panalo ng Rain or Shine sa ipinoste nitong 19 puntos at 13 rebounds habang nanguna naman si Mac Belo para sa Blackwater sa iniskor niyang 15 puntos.
Ang kabiguan, ang ika-6 na sunod para sa Blackwater ay nagbaba sa kanila sa markang 2-7.
-Marivic Awitan