NAKAKATUWA at excited ang cast ng primetime drama series ng GMA Network na Love of my Life, dahil pare-pareho silang first time sasabak sa bagong taping protocols. Para raw silang mga batang estudyante na naghahanda ng mga babaunin o dadalhin nila sa taping. Ang cast ay binubuo nina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez.
Si Rhian lamang ang nakaranas na ng four-day lock-in taping ng mini-series nila noon na I Can See You, but this time 22 days sila, “kaya alam ko na ang dapat kong dalhing mahahalagang bagay, like, may dala akong mini washing machine, dahil yung mga intimate things, you don’t want them to wash doon sa labas.”
“Minsan iniisip mo, kailangan mo ba talagang dalhin ang mga ito, pero, baka hanapin ko kapag nandun ako, saka yung mga pagkain,” natatawang lahad ni Coney.
“Dahil work trip ito, kailangan kong dalhin lahat, mahirap nang kulangin ng underwear, essentials iyon na dapat kong isipin,”say naman ni Mikael.
At si Carla: “Dahil limited ang bilang ng tao sa set, naisipan kong magdala ng portable cooker, it’s a travel cooker. At least anytime, magutom man, or if anybody wants food, may maliit ako, na packable lang siyang cooker.”
Wala pang schedule of airing ang Love of my Life, na kinaiinipan nang muling mapanood ng mga televiewers nito.
-NORA V. CALDERON