SAGOT ng GMA Network ang masayang weekend para sa mga Kapuso viewer sa panibago nitong movie offerings ngayong Linggo, Nobyembre 8.

Tampok sa Kapuso Movie Festival ang hit na 2010 animated superhero film na Megamind, kung saan mapapanood ang kapana-panabik na kuwento ng isang supervillain nasa wakas ay natalo ang kaniyang matagal nang katunggaling superhero na si Metro Man.

Ngunit matapos nito, hindi inaasahan ng mistulang nawalan narin ng kahulugan ang buhay ni Megamind.

Tunghayan naman sa GMA Blockbusters ang natatanging pagganap ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa Laut na idinirek ni Louie Ignacio. Ang pelikulang ito ay tungkol sa sea gypsies mula sa Zamboanga na maninirahan na sa Mabalacat, Pampanga. Gagampanan ni Barbie ang role ni Nadia, miyembro ng grupong Sama d’Laut, na nangangarap mapangasawa ang lalaking minamahal niya subalit kakailanganin niyang lisanin ang probinsiyang kinalakihan.

'Tinupad ko promise ko kay Lord!' Darryl Yap ibinahagi 'dishonesty' niya sa Honesty Store noon, pero bumawi na

Samantala, ipalalabas sa Telesine Presents ang thriller na Bahay. Tungkol ito sa nakakakilabot nakuwento ni Jackie (G. Tongi) na ilang taon nang hinahanap ang kaniyang nawawalang kapatid na si Emily (Anne Curtis). Dismayado sa kakulangan ng mga awtoridad, nagkaroon muli ng pag-asa si Jackie nang matuklasan ang balita tungkol sa isang nawawalang bahaysa Surigao. Makikilala niya rito ang pamilya ni Karen (Jaclyn Jose). Matutulungan kaya nila si Jackie na mahanap ang kapatid?

Abangan ang mga ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays, GMA Blockbusters.

-MERCY LEJARDE