Binasag ni Kamala Harris ang isa sa pinakamataas na mga kisame sa buong mundo nitong Sabado upang maihalal bilang unang babaeng pangulo ng Amerika, gumawanng kasaysayan at tumulong na wakasan ang magulong pamamahala ni Donald Trump.
Dumating si Harris sa halalan noon Martes na isang nang repeat trailblazer bilang unang Black Attorney ng California at ang unang babaeng may dugong South Asian na inihalal sa Senado ng US.
Sa pagwagi niya sa pagka-bise presidente, siya ay magiging isang tibok ng puso na lamang para sa pamumuno sa United States at isang hagdanan sa panghuling premyo.
Sa inaasahan na ang 77-taong gulang na si Biden ay maglingkod lamang sa isang solong termino, si Harris ay papaburan upang manalo sa Democratic presidential nomination apat na taon mula ngayon.
Maaaring bigyan siya ng isang tsansa sa higit na paggawa ng kasaysayan - bilang unang babaeng pangulo ng United States.
“This election is about so much more than Joe Biden or me,” isinulat niya sa Twitter matapos tawagin ng US news media ang eleksiyon na pabor sa kanila batay sa state results.
“It’s about the soul of America and our willingness to fight for it. We have a lot of work ahead of us. Let’s get started.”
Si Harris, 56, ay ipinanganak ng mga imigrante sa United States - ang kanyang ama ay mula sa Jamaica, ang kanyang ina mula sa India - at ang kanilang buhay at siya ay sa ilang mga paraan ay sumasalamin sa American dream.
‘I’m speaking’
Ipinanganak siya noong Oktubre 20, 1964 sa Oakland, California, na noon ay sentro para sa civil rights at anti-war activism.
Ang kanyang diploma mula sa Black Howard University sa Washington ay ang simula ng isang matatag na pag-angat na nagdala sa kanya mula sa pagiging tagausig, sa dalawang halal na termino bilang district attorney ng San Francisco at pagkatapos ay ang attorney general ng California noong 2010.
Isang beteranong campaigner, si Harris ay umaapaw sa charisma ngunit mabilis ding palitan ang kanyang megawatt na sa pagiging masigasig na tagausig.
Nakatunggali din ni Harris si Biden sa panahon ng unang Democratic debate, na binira ang dating senador sa kanyang pagtutol sa 1970s busing programs na pinilit ang pagsasama ng mga pinaghiwalay na paaralan.
“There was a little girl in California who was part of the second class to integrate her public school, and she was bused to school every day,” aniya. “And that little girl was me.”
Ang sagupaan na iyon ay hindi pumigil kay Biden sa pagpili kay Harris, na nagdala ng matapang na enerhiya sa maingat na kampanya ni Biden.
Sa nag-iisa nitong debate laban kay Vice President Mike Pence, itinaas ni Harris ang kanyang kamay habang sinusubukan siya nitong abalahin.
“Mr. Vice President, I’m speaking. I’m speaking,” sabi niya sa matalim na tingin na pinatahimik si Pence.
Ilang matapos ang debate, ang mga T-shirt na may nakasulat na kanyang mga salita ay ipinagbebenta sanonline.
“When our very democracy was on the ballot in this election, with the very soul of America at stake and the world watching, you ushered in a new day for America,” sinabi ni Harris nitong Sabado. “While I may be the first woman in this office, I will not be the last”