IBINAHAGI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 3,315,000 low-income Filipino ang nakiisa sa unang hakbang ng pagpaparehistro para sa Philippine identification system (PhilSys).

“Given the current count and the pace of our operations, we are confident that we will hit our nine-million-target for Step 1 Registration, before the year ends,” pahayag ni National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa.

Samantala, sinabi ni Assistant Secretary Rosalinda Bautista na bumagal ang operasyon ng field personnel ng PSA para sa PhilSys, mas kilala bilang national ID system, dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly (international name Goni).

Gayunman, nananatili pa rin sa tamang takbo ang PhilSys registration process.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The high productivity recorded during the first three weeks compensated for the reduced registrations during the typhoon,” aniya.

Pagbabahagi ni Bautista, hanggang nitong Nov.4, naabot na ng PSA ang 120 porsiyento ng target nito para sa step 1 ng PhilSys registration.

Bahagi ng unang hakbang sa pagpaparehistro ang koleksyon ng registrant’s information, kabilang ang buong pangalan, kasarian, petsa at lugar ng kapanganakan, blood type, at address.

Susundan naman ito ng pagtatakda ng appointment para sa biometrics capture kung saan kabilang ang fingerprint, iris scan, at front-facing photograph.

Ayon sa PSA, gugugol lamang ang pagpaparehistro ng limang-minuto bawat indibiduwal kung saan kayang ma-record ng enumerator ng hanggang 46 registrations kada araw.

Una nang nilinaw ng PSA, na ang registration team, kabilang ang enumerators at iba pang pre-registration staff, ay sumusunod na mahigpit na health at safety protocols sa proseso ng pagrerehistro, upang manatiling ligtas mula sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19) infection.

Bahagi naman ng third step ang pagbibigay ng physical ID card kung saan makikita ang 12-digit PhilSys number o personal serial number (PSN) at ang 16-digit PhilSys card number (PCN).

Target ng PSA na maparehistro ang mayorya ng mga Pilipino bago magtapos ang 2022.

Nagsimula nang mangolekta ang PSA ng demographic data mula sa target na low-income Pilipino sa 664 siyudad at munisipalidad sa 32 probinsiya na tinukoy na “low-risk” areas para sa coronavirus outbreak, kabilang ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental, at Tawi-Tawi.

Nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, ay may layong makapagtatag ng isang national ID para sa lahat ng mga Pilipino at mga residente.

PNA