Inamin ng testigo ng prosekusyon na hindi niya kilala at wala siyang ibinibigay na pera kay Senador Leila M. de Lima, sa patuloy ng pagdinig sa kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 kaugnay sa diumano’y pakikipagsabwatan sa ilegal na bentahan ng droga sa Bilibid.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, legal counsel ni De Lima, kinumpirma sa korte ni Vicente Sy, convicted drug lord, na kailanman ay hindi niya binigyan ng pera o nakausap ang senadora taliwas sa unang pahayag nito na nagbigay siya ng pera para pondohan ang senatorial campaign nito noong 2016.

“Si Vicente Sy ay tumestigo noon at sinabi niya na nag-ambag daw siya ng halagang 500k para daw sa kampanya ni Senator De Lima noong 2012. Pero sa aming pagtatanong, sinabi niya na kailanman ay hindi siya nagbigay ng pera kay Senator De Lima. Sinabi rin niya na hindi niya kilala si De Lima,” lahad ni Tacardon.

Kasabay nito, muling nanawagan sina Sens. Francis Pangiinan at Risa Hontiveros sa agarang pagpapalaya kay De Lima.

National

'The spirit of QUADCOMM lives on!!!' Rep. Luistro, flinex kasamang 'mentors'

“Walang ebidensya, walang totoong kaso,” ani Hontiveros.

-Leonel Abasola