Nagkaroonng Zoom interview ang major cast ng Prima Donnas sa pangunguna nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, at Chanda Romero pati ang young cast na sina Jillian Ward, Elijah Alejo, at Althea Ablan. Kasama rin sa interview si Gina Alajar at kanilang ibinalita na simula sa Monday (November 9), magsisimula nang mapanood ang fresh episodes ng hit Afternoon Prime ng GMA-7.

Ang fresh episodes ay bunga ng 21-day lock-in taping and this Sunday, magsisimula uli ang second wave ng lock-in taping na tatagal din ng 21 days. Tatapusin na nila ang taping ng buong serye, unless magkaroon ito ng extension.
Proud si direk Gina sa kanyang cast dahil lahat nag-cooperate sa lock-in taping. “Walang kaming naging problema sa cast, walang maarte, walang nag-prima donnas, lahat nakisama, alam ng lahat ang limitation sa set and it makes the work a lot easier,” sabi ni direk Gina.
Nagkaroon ng adjustment sa story dahil hindi na puwedeng mag-taping si Sofia Pablo at pati sa location, nagkaroon ng pagbabago dahil may ibang location na hindi na sila puwedeng bumalik. Pasalamat si direk Gina sa creative team dahil lahat ng naging problema sa simula ay nagawan ng paraan.
Samantala, hindi madi-disappoint ang Kapuso viewers na naghintay nang pagbabalik ng Prima Donnas lalo na sa mangyayari sa mga karakter ng mga kontrabidang sina Aiko na gumaganap sa role ni Kendra at ang young star na si Elijah na gumaganap sa role ni Brianna.
Sabi ni Aiko, “si Kendra mas lalong sasama sa pagbabalik ng Prima Donnas, lalo siyang kaiinisan ng tao. Last kontrabida role ko na muna si Kendra, sinabi ko na sa manager ko ito, kaya itotodo ko na. Gusto ko namang mag-potray na hindi magagalit at maiinis sa akin ang tao.”
Dahil pala sa COVID-19, mababago ang Christman celebration nina Aiko for this year. “Siguro this Christmas, simpler at focus lang sa family at sa partner ko at sa bahay lang kami. More on reflection din sa mga blessings na natanggap kahit may pandemic.”
Samantala, pinasalamatan ni Arnell Ignacio si Aiko sa pagdepensa sa kanya sa isyu nina Arnell at G. Tongi. Nag-post si Aiko ng kanyang reaction sa Facebook.
“Lahat naman tayo me kanya kanyang opinion sa pulitika. Me kanya kanya paniniwala pero hindi kasi ako ayon na mamemersonal ka sa pagtira ng kapwa mo. Pwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things, pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama... #just saying. Kung me maganda at maayos ka na rebuttal sabihin mo out loud pero wag ka manghamak ng tao... Nakakalungkot naman. Dito na papunta ang argument ng isang bagay. Personalan... Lahat tayo ay me kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan pero pag nauwi sa personalan ang atake ano tawag dun? ... Think before you click nga dba. Gather facts muna... There is no harm in asking... #lowblow.”
“Maria Kendra Melendez Iba ka talaga. Maraming salamat,” post nang pasasalamat ni Arnell. Ang Kendra ang pangalan ng karakter ni Aiko sa Prima Donnas.
-NITZ MIRALLES