WASHINGTON (AFP) — Sumabog si Pangulong Donald Trump nitong Huwebes sa mga hindi napatunayan na mga pahayag na siya ay niloko mula sa pagkapanalo sa halalan sa United States habang ang pagbibilang ng boto sa mga battlefield state ay nagpakita na patuloy na lumalapitbsa tagumpay si Democrat Joe Biden.
“They are trying to steal the election,” sinabi ni Trump sa pambihirang pahayag sa White House dalawang araw matapos magsara ang botohan.
Nagbibigay ng walang katibayan at hindi nagpaunlak ng tanong pagkatapos nito mula sa mga reporter sa silid, ginamit ni Trump ang halos 17 minuto upang magbigay ng incendiary statements tungkol sa demokratikong proseso ng bansa na hindi pa naririnig mula sa isang pangulo ng United States.
Ayon kay Trump, gumagamit ang Democrats ng “illegal votes” [to] “steal the election from us.”
“If you count the legal votes, I easily win,” aniya. “They’re trying to rig an election. And we can’t let that happen.”
Higit pa sa retorika, ang mga reklamo ni Trump ay partikular na nakapuntirya sa integridad ng napakaraming mga balota na ipina-koreo, sa halip na personal na bumoto sa Araw ng Halalan.
Biden lumalapit na
Nagalit si Trump habang ang returns mula sa mga hindi pa naipahayag na estado sa buong bansa ay nagpapahiwatig ng panalo ni Biden.
Isa o dalawa na lama ng na battleground states ang kailangang mapanalunan ni Biden, 77, para makuha ang majority para maupo sa White House. Si Trump, 74, ay nangangailangan ng panalo sa maraming mga estado upang manatili sa kapangyarihan.
Sa mga komento sa mga mamamahayag sa kanyang bayan sa Wilmington, Delaware, sinabi ni Biden na “we continue to feel very good.”
“We have no doubt that when the count is finished, Senator (Kamala) Harris and I will be declared the winners,” aniya.