Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay sa isang 27-anyos na lalaki sa loob ng isang ospital sa Angono, Rizal, nitong Nobyembre 4.

Inihayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang walang pagsisising pamamaslang kay Vincent Adia, kasuway-suway ang pamamaslang kay Adia sa loob ng Rizal Provincial Hospital dahil ang mga pagamutam ay mga pasilidad kung saan ang mga pasyente ay dapat sanang ginagamot at inililigtas.

Sa report ng pulisya, si Adia ay tatlong beses na binaril ng isang hindi nakikilalang lalaki at iniwan sa kalsada at isinabit sa kanya ang isang card board na nagsasabing isa itong “pusher” nitong Miyerkules ng madaling araw.

Isinugod si Adia sa nasabing pagamutan kung saan ito binuhay hanggang sa maging stable.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Gayunman, matapos ang ilang oras ay binaril ito hanggang sa mapatay.

“Amid the suffering in this period of pandemic, it is disheartening that extra-judicial killings still persist. We harp again our repeated plea to the government to concretely address the continuing atrocities and vigilante killings,” pahayag ni de Guia.

“With the government’s recent expression of openness to cooperate with international mechanisms in improving the human rights situation in the country, we hope and expect that cases of extrajudicial killings will be truly curbed and tackled with utmost urgency,” dagdag pa nito.

-Czarina Nicole Ong Ki