SUNOG ang netizen na nag-comment ng “bakit ang taba mo sa High Rise lovers” na ang tinatanong ay si Winwyn Marquez at sa labas nito sa mini-series ng GMA-7 na I Can See You: High Rise Lovers.
Sagot ni Winwyn sa nag-comment na pagtaba niya ay “Pag tumaba kailangan ba mag-explain? Ikinatuwa ng ilang followers ang sagot na ‘yun ni Winwyn dahil totoo namang may ibang netizens na lahat na lang nang nakikita sa celebrity ay pinupuna.
Samantala, may appreciation post si Winwyn para sa kaniyang mga batchmate na military reservist na kasama niyang sumailalim din sa training ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ibinahagi in ni Winwyn ang naging life-changing experience niya rito, “So much respect for my batch and for everyone who went through this training. Pinush ng
lahat para matapos kami nang sabay-sabay... Hindi ko ma-explain ang pinangdaanan namin. After ng field training, mixed emotions talaga ako pero I feel like a different person now—I feel stronger than ever. Mate-test ka talaga sa tatag mo... If only I can post all the photos and show all their faces dahil gusto ko ipagmalaki ang batch ko sa inyo.”
Dagdag pa ng Kapuso actress, worth it ang lahat ng pagod, iyak, at paghihirap na kanyang naranasan para maging ganap na military reservist.
Nitz Miralles