BEIJING (AFP) — Ipinagbawal ng Beijing nitong Huwebes ang pagpasok ng mga dayuhan mula sa France at iba pang mga bansa, ang pinakahuli sa lumalaking bilang ng mga entry ban sa pagsasara ng China sa mundo na nakikipaglaban pa rin sa coronavirus pandemya.

Ang Covid-19 ay unang lumitaw sa gitnang China noong huling bahagi ng nakaraang taon, ngunit halos napigilan ng Beijing ang pagsiklab nito sa pamamagitan ng mahigpit na travel restrictions at mahigpit na hakbang sa kalusugan para sa sinumang papasok sa bansa.

Noong Marso, habang ang virus ay natalo nanalasa sa buong mundo, isinara ng China ang mga hangganan nito sa lahat ng mga dayuhan, bagaman unti-unting binawasan nito ang mga paghihigpit sa mga nakaraang buwan.

Ngunit sa matalim na pagbaligtad, sinabi ng Chinese embassies sa mga bansa kabilang ang Britain, Belgium, India at Pilipinas ngayong linggo na nagpasya ang Beijing na “pansamantalang suspindihin” ang pagpapasok ng mga hindi Chinese national.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang France ang pinakahuling sumali sa listahang iyon, na may pahayag sa website ng Chinese embassy na may petsa nitong Huwebes na nagsasabing bawal ang non-Chinese arrivals na pumasok sa bansa.

Inanunsyo din ng Chinese embassies sa Russia, Italya at Ethiopia ang mga katulad na hakbang.

Ipinagtanggol ng Beijing ang mga bagong paghihigpit noong Huwebes bilang “makatuwiran at patas” at sinabi na ito ay “drawing on the practices of many countries”.

Kamakailan lamang ay hinigpitan ng China ang mga kinakailangan para sa mga manlalakbay mula sa maraming iba pang mga bansa, na ginagawang mas mahirap ang pagpasok at nagbunsod ng mga reklamo na ang mahigpit na mga bagong patakaran ay isa na ring pagbabawal sa pagpasok.