Bongga talaga ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose. Nominado siya sa mga kategoryang ‘Wishclusive Contemporary R&B Performance of the Year’ at ‘Wish R&B Song of the Year’ sa 6th Wish Music Awards.’

julie anne

Bukod dito, isa pang magandang balita ang ibinahagi ng Universal Records sa kanilang Twittr account dahil mayroon nang mahigit 120 million streams ang mga kanta ng award-winning artist sa Spotify.

Kahanga-hanga rin ang performance ni Julie Anne sa music video ng local cover ng Rocket to the Moon, ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 246K views sa official Facebook page ng Netflix Philippines.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Congratulations, Julie Anne!

-NORA V. CALDERON