Umapelaang Malacañang sa publiko na pairalin ang diwa ng bayanihan upang mapabilis ang pagbangon ng mga lubhang nasalanta ng bagyong “Rolly”.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kasalukuyan ay puspusan ang pagsasagawa ng rehabilitasyon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa mga lugar na naging apektado ng bagyo.

“The Executive Department is continuing the disaster relief efforts to aid those greatly affected by super typhoon Rolly,” sinabi niya sa isang pahayag.

“All hands are indeed on deck as we mobilize our resources to assist those greatly affected by the typhoon. We ask the public to help in any way they can and demonstrate the Filipino bayanihan spirit in this time of need,” dagdag niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Isa sa pangunahing atubili ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagbigay na ng P18.2-M assistance sa NCR, Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VIII, at CAR.

Ang Department of Health ay nakapagbigay na rin ng P540,440.00 halaga ng hygiene kits at collapsible water drinking containers at P402,741.20 halaga ng mga gamot.

Pinakilos na rin ng Department of Energy, ang Task Force Kapatid kung saan ang Region 8 Electric Cooperatives-Task Force Kapatid at Task Force Kapatid Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO) ay patungo na ng Bicol Region at Marinduque para tumulong sa pagbabalik sa suplay ng kuryente.

Bukas na rin ang lahat ng airports at seaports para sa pagbibyahe ng mga relief goods o ayuda mula sa pamahalaan.

Nasa 60 tonelada ng relief goods at supplies ang ikinarga sa Philippine Coast Guard’s BRP Gabriela Silang patungong Catanduanes.

Nalinis na rin ng Department of Public Works and Highways ang 26 road sections kaya maari nang madaanan ng mga sasakyan.

-Beth Camia